Wika Para sa Lahat

  Magandang araw! Magandang hapon! Magandang gabi! If you understood any of the words or phrases I used, chances are that you know they come...

Looking for Something Here?

Monday, February 1, 2010

TV Musings

Ang weekend na lumipas ay ang ika-lima para sa taong 2010 at ito ay payday weekend kung saan makikita natin na ang Pilipino ay natural na gastador. Alam na alam mo na sa tuwing magtatagpo ang payday at weekend, ito ay nagbibigay ng traffic at walang katapusang traffic.

Ngunit ang weekend na lumipas ay nakapagbigay din ng magandang dalawang araw na pahinga para sa The Brown Man. Dalawang sunod na umaga (sabado't linggo) ako'y nakapag basketball at nakaptulog din ako ng mahaba-mahaba sa dalawang hapon na iyon.

Nakapanood din ako ng basketabll games sa television mula sa playoffs ng Philippine Basketball Association at sa ASEAN Basketball League. Kitang-kita ang pagkaka-iba ng laro sa pagitan ng dalawang liga. alam na alam mo na ang PBA ay lubhang mas pulido ang kanilang mga manlalaro kumpara sa mga manlalaro ng ABL. Syempre naman sapagkat ang PBA ay halos apat na dekada nang nabubuhay samantalang nag ABL ay nasa unang taon pa lamang nito.

Syanga pala, ang Baranggay Ginebra Kings ay tinalo ng Tropang Texters ng isang punto. Salamat sa alley-hoop play ni Jared Dillinger. Two seconds to go, in bound ng Tropang Texters, habang ang buong Baranggay Ginebra ay nag-aabang at nakabantay sa FilAm ace guard na si Jimmy Alapag, binigyan ng bola ang isa pa ding FilAm na si Jared Dillinger sa ere na malapit sa ring at very cool nya itong ibibuslo upang nakawin ang ikalawang panalo sa best of five series.

Kina lingguhan naman ng gabi, nakapanood ako pati na din ang buong pamilya ko ng MEl and Joey at ako'y namangha sa dalawang segments nila na pinamagatang "Earthquake 101" at "HanepBahay". Sa Earthquake 101, ipinakita at ipinaalam ng mga writers at hosts ng show ang mga tamang gawin kung may nangyayaring earthquake. Ipinakita din ang mga video clippings na kung saan ang mga Pinoy Psychics ay gumawa ng mga prophecies some months or years ago about natural calamities such as earthquakes. Isang psychic din ang nagsabi na may padating na lindol sa Pilipinas na kung saan ang fault line na maaapektuhan ay ang fault line din na nagalaw noong nagiba ang Baguio sometime in the 1990's.

Ipinaalam din sa mga manood na ang Marikina Fault Line ay may bago nang pangalan at ito'y Valley Fault Line. Ang malupit pa doon, ang Valley Fault Line daw ay kinatatayuan ng mga istruktura gaya ng mga ospital na ayaw namang pangalanan ngunit sinabi naman kung saan. Ito daw ay nasa ortigas at nasa Fort Bonifacio. Magisip na isp na lang kayo at alamin ninyo ang address ng mga ospital at ioy's inyong malalaman.

Ang Quezon City pala ay safe sa earthquake dahil ang ilalim daw nito ay adobe. Big time ang QC kung ganun kumpara mo naman sa Makati at iba pang lalawigan sa kalakhang Maynila.

Yung HanepBahay segment naman nila, ang ganda ng bahay! Halos lumalabas na eight floors ang bahay at animo'y may kagubatan sa loobng bahay. Alam nyo bang ito'y located sa Tondo?

Sana makapasok ako sa bahay na yon!

No comments:

Post a Comment

Scholastic Basketball Camp

1st Founders' Cup

Scholastic Basketball Camp-1st Founders' Cup

16 & Under Division Ranking 2019

School Rank Wins
SV Montessori 4th 0
La Trinidad Academy Champion 5
Charis Christian Institute 2nd 4
La Camelle School 3rd 1

12 & Under Division Ranking 2019

School Rank Wins
SV Montessori 5th 0
La Trinidad Academy-Team A Champion 6
Charis Christian Institute 2nd 5
La Camelle School 3rd 4
La Trinidad Academy-Team B 4th 1