Kaninang umaga, pagkagising ko naalala ko na mayroong Annular Solar Eclipse. Paalis na ko ng bahay ng dumating ang isang kapitbahay namin, may dalang solar glass at pinapagamit sa mga anak ko. Syempre ako muna ang sumubok at ang nakit ko ay ang simula ng eclipse. Medyo letter e pa lang ang nakita ko, yung pumuporma pa lang na matakpan ang araw ng isa pang bagay na pangkalawakan. Hanggang sa pagdaan ko palabas ng Southern City subdivision, ang mga tila inaantok pang mga kapitbahay ko ay pawang mga nakatingala sa itaas. Karamihan ay mayroong hawak na film ng x-ray at ginagamit na panangga ng sinag ng araw sa kanilang mga mata.
Nakalimutan na ang buong kwento ng eclipse pagdating ko sa trabaho ko, sa paaralan kung saan ako ay nagtuturo ng Filipino sa mga Middle Schoolers. Gumawa ako ng mga kaukulang rebisyon sa mga marka ng grado ng mga estudyante ko hanggang magtanghalian. Medyo makulimlim pero sa gym ng paaralan namin, punong-puno ng saya at buhay. May nagtatakbuhan at may naglalaro ng basketball.
Sa kabilang banda, sa football field naman ay may grupo ng mga middle schoolers na pawis na pawis at tuwang-tuwang naghahabol sa isang bola ng football.
Walang gulo at puro saya ang buhay ng mga batang ito.
Nagayos-ayos ako ng mga gamit ko na iuuwi para sa nalalapit na summer break ng aming paaralan. Madami ang reading materials ko for summer. Mga IB publications at language learning activities and theories. Ok na ito at least bagong babasahin naman para sa akin.
Paguwi ko ng bahay at nanood ng balita, heto na puno ng balita tungkol kay Lady Gaga. Balitang nakakatawa at balitang nakakaasar.Lady Gaga, kahit anong sabihin nila, naniniwala akong isa syang naliligaw na kaluluwa at nanliligaw ng iab pang kaluluwa. Isa sya sa mga kampon ng demonyo. Sa kanyang mga awit at lifestyle, makikita natin na pawang kademonyohan ang kanyang dala.
May isang Obispo ng ating mahal na simbahan na nagsabi na kung sino man ang manood ng concert nya ngayong gabi, malamang siya ay kabilang gilid ng Kalangitan.
Ang masaklap nito, ang mga tinitingalang mga artista ang pangunahing nagsipila para sa concert. Oh di ba? Ang mga artistang ito na malakas ang hatak sa kaisipan ng mga kabataan ang siyang nagpapakita ng pagsuway sa sa kautusan ng simbahan.
Mabigat ito mga kumpadre.
Kaya nga ako at ang ilan sa mga kasamahan ko sa pagtuturo, buwisit na buwisit sa mga hinayupak na mga artista. Ang lalaki ng mga sweldo, ang sasarap ng mga buhay at ang lakas ng impluwensya sa pagiisip ng karamihan, sa kultura at sa kung ano ano pang mga bagay na may epekto sa buhay ni Juan de la Cruz.
Isa ang show business na mayroong malaking kinakaing porsyento sa mass media at hatak nito ang telebisyon, pelikula, internet, radyo, dyaryo at ilan pang mga babasahing materyal.
Mass media ang pinakamatinding kalaban ng edukasyon. Magulo ito at lalo pang gumugulo.
Hanggang sa mga oras na ito, ang concert ni Lady Gaga ay nagpapatuloy at ang maraming tao na nagpo-protesta laban dito ay sumasabay din. Ang lupit di ba?
At bukas naman, si CJ Corona ay sasalang na sa impeachment court.
Solar eclipse sa umaga, Lady Gaga concert sa gabi at Impeachment Court bukas. Ang tindi ng Pilipinas.
At namamagitan sa mga ito ay ang Scarborough Shoal, ng umento sa sweldo at pagbaba ng presyo ng langis. kasama na rin ang balitang panghahalay ng isang German national sa ampon nilang mag-asawa. Nariyan din ang balitang Raymart at Tulfo at ang pagbubukas ng iskwela. At nariyan din ang balita at CCTV footage ng isang Panamanian national at Pinay na papasok sa condo ng banyaga sa disoras ng gabi, may laplapan pang ginawa ang dalawa sa loob ng elevator bago bumaba ang mga ito. Ngayon nasa Panama na ang banyaga at ang ating kaawa-awang kababayan ay umiiyak ng rape, humihingi ng hustisya.
Ano na nga ba ang patutunguhan ng Pilipinas? Nang Daigdig?
Magulo bro!
Wika Para sa Lahat
Magandang araw! Magandang hapon! Magandang gabi! If you understood any of the words or phrases I used, chances are that you know they come...
Looking for Something Here?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Scholastic Basketball Camp
1st Founders' Cup
Scholastic Basketball Camp-1st Founders' Cup
16 & Under Division Ranking 2019
School | Rank | Wins |
---|---|---|
SV Montessori | 4th | 0 |
La Trinidad Academy | Champion | 5 |
Charis Christian Institute | 2nd | 4 |
La Camelle School | 3rd | 1 |
12 & Under Division Ranking 2019
School | Rank | Wins |
---|---|---|
SV Montessori | 5th | 0 |
La Trinidad Academy-Team A | Champion | 6 |
Charis Christian Institute | 2nd | 5 |
La Camelle School | 3rd | 4 |
La Trinidad Academy-Team B | 4th | 1 |
Ka Kiko, nakakatuwa naman ang blog mo, tagalog na, nakakatuwang basahin.
ReplyDeleteYung kasintahan ng anak ko, nanood kay ginang gaga, labinlimang libo at limang daan ang halaga ng tiket, pinakamahal na yata yung tiket na yun.
Mukhang sa isang linggo pa ang hatol kay PM Corona, nagkasakit e.
Magulo nga kapatid!