Oo tama ang nabasa mong titulo ng post ko, pagtatapos ng klase. Pasensya na kung praning ang dating sa inyo, baligtad ang mundo ko. Habang ang karamihan sa inyo, mga nubenta'y kuwatro porsyento ng Pilipas, ay naghahanda na sa darating na pasukan ng klase ngayong Hunyo, ako at ang maliit na porsyento ng mga guro, mag-aaral at mga admistrador sa mga international schools dito sa Pilipinas ay naghahanda naman para sa aming summer break.
Sinusunod kasi namin ang tinatawag na Northern hemisphere school calendar kung saan ang bakasyon sa panahon ng tag-araw ay Hunyo hanggang Hulyo at ang balik-iskwela naman namin ay Agosto.
Halos tapos na ang panahon ng gawaan ng grades para sa aming mga estudyante. Natapagsumite na ang mga Middle School Years students ko ng kani-kanilang mga Summatives. Oo, summatives ang tawag namin sa mga major exams nila, at hindi ito paper and pencil test. Ang ibinigay kong mga requirements sa mga estudyante ko mula grades 6 hanggang grades 8 ay Video monologues kung saan kailangan nilang isalaysay sa wikang Filipino ang mga target vocab namin. Depende ito syempre sa klase.
Ang Grade 6 ay tungkol sa Pamilya at Kaibigan. Ang Grade 7 ay tungkol sa Serbisyo at Pamimili at ang Grade 8 ay tungkol sa Pamumuhay sa Pilipinas. Masaya ang aming mga units para sa ikatlong termino namin. At lalong masaya ang lahat dahil pagkatapos ng bukas, Biyernes, ika-18 ng Mayo, eh limang araw na lang bakasyon na kami. Oo, hanggang sa ika-25 na lang kami ng Mayo.
Masarap maging guro at lalong masarap maging guro sa iskwelahan na kung saan may sapat na resources para sa iyong pagtuturo.
Ang taong ito, 2011-2012, ay isang malaking rebelasyon para sa akin. Ngayong taon na ito kasi una ko naranasan magturo sa Middle School at unang beses ko rin naranasan magturo ng Filipino as a Second Language.
Masaya, hindi boring at lalong lalong nakakapagbigay buhay sa aking pagiging Filipino. Kaya nga nagpapasalamat ako sa mga tao na naisipang kunin akong Filipino Teacher mula sa pagiging Permanent Reserve Teacher ko sa PYP.
Oo, medyo bago ang mga acronyms na binabanggit ko sa inyo. Ang PYP naman ang ibig sabihin nito ay Primary Years Program. Ang MYP, PYP at DP at mga programa na isinusulong ng IBO o yung tinatawag na International Baccalaureatte Organization na ang punong opisina ay matatagpuan sa Geneva, Switzerland.
Kung hindi pa dahil sa Kursong Filipino ay di ko malalaman na ang salitang Filipino na "sa" ay isang napaprolific at felxible na salita. Ang "sa" ay mayroong siyam na gamit, kung ano ang mga iyon, sa ibang post ko na lang sasabihin.
O sya, kaya ko nga pala nasabi ang mga ito kasi tapos na ko gumawa ng grades at nakapaglaro ako ng 20-minute games sa ChessCube ngayong madaling araw. Dalawang laro, dalawang panalo. Yung unang panalo ko time forfeit kalaban ko at yung pangalawa nag-resign dahil sa heavy loss of materials.
Panoorin natin:
Wika Para sa Lahat
Magandang araw! Magandang hapon! Magandang gabi! If you understood any of the words or phrases I used, chances are that you know they come...
Looking for Something Here?
Friday, May 18, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Scholastic Basketball Camp
1st Founders' Cup
Scholastic Basketball Camp-1st Founders' Cup
16 & Under Division Ranking 2019
School | Rank | Wins |
---|---|---|
SV Montessori | 4th | 0 |
La Trinidad Academy | Champion | 5 |
Charis Christian Institute | 2nd | 4 |
La Camelle School | 3rd | 1 |
12 & Under Division Ranking 2019
School | Rank | Wins |
---|---|---|
SV Montessori | 5th | 0 |
La Trinidad Academy-Team A | Champion | 6 |
Charis Christian Institute | 2nd | 5 |
La Camelle School | 3rd | 4 |
La Trinidad Academy-Team B | 4th | 1 |
No comments:
Post a Comment