Wika Para sa Lahat

  Magandang araw! Magandang hapon! Magandang gabi! If you understood any of the words or phrases I used, chances are that you know they come...

Looking for Something Here?

Wednesday, August 31, 2011

Filipino Language according to Sasa Mendoza


Remember my post about the Filipino Language and how I told you that it was taking much of my time now as its student and teacher? Well, I spent my 4-day, long weekend working on: three journals, a test covering numbers, dates, directions, all about the Philippines and transcribing Travis Kraft's YouTube Video on Adobong Manok ---all in the name of Filipino as a Second Language classes for middle school students.

Ironically, while I was burning the midnight oil, a colleague of mine who happens to be teaching Filipino in the primary years of the same school where I teach, was irked by the comments of someone named Mr.James Soriano against our dearly beloved Filipino Language. Here's her shake and bait (--and take) on the issue:         

Hindi ako mahilig sumulat ng komentaryo. Hindi NA ako mahilig sumulat.  Sa tinagal tagal, wala pang isyu ang kumiliting muli ng imahinasyon ko, walang pahayag ang kumalap ng interes at walang balitang pumukaw ng mga natatagong damdamin upang naisin kong ilathala ang aking mga saloobin. Ngayon lang. Nabasa ko ang artikulo ni James Soriano noong isang araw. Hindi ko masyadong ninamnam. Kahit natabangan ako sa mga simbulat niya, kebs lang.

Kwentuhan muna tayo ng konti (bago ko kontrahin si Mr. Soriano, haha). Lumaki ako sa pamilyang Tagalog ang pangunahing gamit sa bahay. Pawang taga-Quezon ang mga magulang ko. Hanggang ngayon tangan tangan parin nila ang mga “malalalim” na salita. Ang pang araw araw na usapan ay para kang nagbabasa ng lumang nobela. Sa madaling sabi, nosebleed ang drama ko. Idagdag mo pa ang ilang beses na paalalahanan ng kataga ni Jose Rizal tungkol sa malansang isda. Pero, natuto kong mahalin ang sariling wika dahil dito. Gustong-gusto kong pinakikinggan ang mga usapan nilang tuwid ang daloy ng mga pinagtahi-tahing salitang Tagalog.  Hindi ko alam, pero may kakaibang dating sa akin. Hindi tulad ng iba, mas namamangha ako sa mga taong mahusay “managalog.”

Mahirap man paniwalaan, paborito ko ang asignaturang Filipino. Parating matataas ang mga marka ko dito. Ikaw ba naman ang magkaroon ng magulang na walking Filipino-English dictionary. Naging madali ang mga homework kong talasalitaan dahil hindi na ako nagbubuklat ng diskyunaryo. Tinatanong ko nalang sa nanay ko. Kaya ganon na lamang ang pagkadismaya ko tuwing ipipilit sa eskwela ang NO TAGALOG policy-- Iyong magbabayad ka ng beinte singko sa tuwing magsasalita ka ng Tagalog. Uso ata sa mga pribadong paaralan iyon noong kapanahunan ko.  Dalawang rason kung bakit nanggagalaiti ako: Una, sa murang edad, batid ko na ang kabalintunaang ito: mga Pilipinong batang pinagbabawalan magsalita ng Filipino sa Pilipinas. Hindi ko talaga maarok. Hindi ko gets. Pangalawa, parati kasi akong napapabayad. Nababawasan tuloy iyong baon kong salapi. Hmph. Wala naman akong problema sa paggamit ng Ingles sa recitation at komposisyon sa asignaturang Ingles at iba pa. Ang sa akin lang huwag namang ipagkait sa akin ang karapatan kong gamitin ito sa mga simpleng kwentuhan naming magkakaklase. Sabi nga ni Mr. Soriano “it is the language of emotion, experience and even of learning.” Sa akin simple lang: Filipino is the language of the heart, my heart. Dahil sa puso ng wikang Filipino ang patuloy na dahilan kung bakit ito pa rin ang pangunahing gamit ko. Hirap akong isalaysay ang tunay kong damdamin kung gagamitan ko ng Ingles. Kahit pa mapa-drama o komedy ng buhay ko, mas swak talaga pag Tagalog ang gamit. Kaya nga siguro may Taglish eh, kasi may salitang Filipino na kahit may English translation parang kulang parin kung ito ang gagamitin. Halimbawa, ang classic na “tusok tusok” the fishball. Subukan mong, “Poke the fishball?” Hindi eh.  Kung “Fishball on a stick?” Kulang. Iba pa rin yung TUSOK! Isama mo na rin iyong “I’ll make kwento.” I’ll tell you a story? Boring.  KWENTO! Isang salita lang pero malaman na.

Mahal ko ang wikang Filipino. Wala namang kaso sa akin kung Pilipino ka at hindi ka marunong managalog. Hindi naman mababawasan ang pagka-Pilipino mo. In English my friend, it doesn’t make you less of a Filipino if you can’t speak the language. If you WON’T at least try, now, that’s a different story. But I still I won’t take that against you. Teka, bakit biglang naging English. Mabalik tayo. PERO kung ang usapan ay mamaliitin mo ang mga taong gumagamit nito, diyan tayo magkakatalo. Hindi porke’t Filipino lang ang alam eh walang iaangat sa pamumuhay. Iyon pa ang nakalulungkot eh. Maraming Pilipinong Tagalog ang pangunahing salita na hindi nabibigyan ng pagkakataong maging matagumpay *sa sariling bansa na mas malaking porsiyente  PA RIN naman ay marunong managalog*dahil lamang hindi sila marunong mag-Ingles. Maaaring meron silang sapat na kaalaman at kabihasnan sa iba’t-ibang gawaing makabuluhan pero nababalewala ito dahil lamang salat ang kaalamanan nila sa Ingles, na sa opinyon ko pwede namang pag-aralan. Bigyan lang sana sila ng pagkakataon. Hindi porket hindi marunong mag-Ingles ay hindi na intelihente. PLEASE do not undermine our dignified “yayas”, “drivers” and “tinderas” just because they use their mother tongue IN their own country. I think someone should revisit his definition of LEARNED.

AKO ay Pilipino---sa puso, sa, isip, sa SALITA at sa GAWA. Iyan ang panata ng tunay na Makabayang Pilipino
And here is one more link you might find helpful Dear James Soriano.

No comments:

Post a Comment

Scholastic Basketball Camp

1st Founders' Cup

Scholastic Basketball Camp-1st Founders' Cup

16 & Under Division Ranking 2019

School Rank Wins
SV Montessori 4th 0
La Trinidad Academy Champion 5
Charis Christian Institute 2nd 4
La Camelle School 3rd 1

12 & Under Division Ranking 2019

School Rank Wins
SV Montessori 5th 0
La Trinidad Academy-Team A Champion 6
Charis Christian Institute 2nd 5
La Camelle School 3rd 4
La Trinidad Academy-Team B 4th 1