I did a "sit-in" last week with these kids for their practice session and mighty glad I did. It was surprising to hear them read their piece. Talent really is in everyone, a matter of guidance and motivation is all they need from their teacher. Their teacher is a master and I'm glad I watched her how she handles the class superbly.
Well here is my poem I wrote while I was in Morocco around June 2009:
Isang Iglap
Isang iglap at tapos na ang anim na buwan,
Kisapmata, ihip ng hangin,
patak ng ulan.
Malapit na,
konti na lang
Pilipinas na
Mahal kong bayan!
Uuwi na, babalik na
Kapiling na,
kasama na
Konti na lang
malapit na!
Heto na
Naiisip ko na
Nadarama na
Pilipinas Game na!
Mga umagang puro saya
Mga gabing punong puno ng mga tala
Mga kwentuhang pabida
Lahat tumatawa, natatawa
Nawala'y sa bayan
Napilay, nanamlay at halos mamatay
Nalungkot, nabugnot
Puso'y napuno ng kirot
Isang saglit,
sandaling idlip
Ihip ng hangin
Simoy at amoy
Pilipinas, Pilipinas,
Pilipinas na!
No comments:
Post a Comment