Wika Para sa Lahat

  Magandang araw! Magandang hapon! Magandang gabi! If you understood any of the words or phrases I used, chances are that you know they come...

Looking for Something Here?

Friday, October 21, 2011

Alamat ni Mariang Makiling

Hello there!

It has been weeks since our last post and I think the trending for our blog will stay that way for awhile. One post in two weeks or a bi-monthly notes from me. So far my existence have been filled by thoughts of Teaching Filipino among middle school students who share one commonality, they happen to live here in the Philippines but has English as their mother tongue.

I teach Filipino within the framework of Humanities curriculum with emphasis on language learning. So far I have had the chance of breaking-through the complexities of teaching a whole class of teenagers who'd rather not learn the language if given the chance not to. Sorry guys but he who doesn't know of foreign languages doesn't know their own, that according to Johann Wolfgang von Goethe.

We used three reading materials for this term and the latest one is about the mysterious diwata named Mariang Makiling:

ANG ALAMAT NG BUNDOK MAKILING
Sa isang mataas na bundok ay may mag-asawang Bathalang naninirahan. Sila ay may isang anak, si Maria. Si Maria ay kaisa-isang anak ng mga bathalang sina Dayang Makiling at Gat Panahon. Ang kagandahan ni Maria ay sadyang kahali-halina, lalo na sa paningin ng kanyang mga magulang. Siya ang tanging ligaya’t kayamanan nina Dayang makiliing at Gat Panahon.

Kahit na isang diyos, malayang nakakahalubilo ni Maria ang mga ordinaryong tao. Noong panahong iyon, ang mga bathala’t diyosa ay malayang nakikipagkuwentuhan at nakikisama sa mga taong mortal. Ang mga tao ay nakakahingi ng tulong sa mga bathala. Sila ay tinutulungan naman ng mga bathala.

Nakaugalian na ni Maria na mamili sa Talipapa. Ang kanyang kasuotan ay naaayon sa moda nang mga panahong iyon. Ang kanyang mahabang buhok ay napapalamutian ng bulaklak. Bawa’t makasalubong niya ay bumabati sa kanya dahil sa mapang-akit niyang mga mata. Ang mga kalalakihan ay yumuyuko sa harap niya tanda ng paggalang. 

Kasama ng dalawang alalay, ipinagpapalit ni Maria ang mga dala-dalang luya tulad  ng mga tela at iba pang gamit sa bahay. Hindi pa kilala noon ang pera. Sa araw ng palengke, hindi lamang mamimili ang nasa Talipapa. Naroon din ang mga mangangalakal na taga-ibang lugar. Dumarayo din sila sa Talipapa uang makipagpalitan ng mga kalakal. 

Isang araw ay napasyal sa Talipapa ang mga pinuno ng kahariang Bay. Si Gat Dula. Isa siyang maharlikang tao. Hindi siya namimili sa Talipapa. Siya ay si Gat Dula at ay nagpapalipas lamang ng oras. Nagkataon naman na si Maria ay namimili din ng araw na iyon. Nagkabanggaan ang kani-kanilang balikat nang kapwa nila kikilatisin ang isang pirasong mabalahibong balat ng hayop.Nagkatinginan silang dalawa. Yumuko si Gat Dula bilang tanda ng paggalang at paghingi ng paumanhin kay Maria. Waring nahihiyang ngiti lamang ang itinugon ni Maria. 

Simula ng araw na iyon ay hindi na mapakali si Gat Dula. Nabighani siya sa kagandahan ni Maria. Bumabalik-balik siya sa Talipapa sa pagbabakasakaling magkita pa sila ni Maria. Maraming araw din ang lumipas pero siya ay nabigong makita ang magandang dyosa. Hanggang isang araw, ang kanyang pananabik ay napawing lahat nang masilayan niyang muli ang kagandahan ni Maria. Wala siyang inaksayang sandali. Dahan-dahan siyang lumapit kay Maria at binati ito. Tinugon naman siya ni Maria ng isang napakatamis na ngiti. 

Magmula noon ay naging magkaibigan na ang dalawa hanggang sa maramdaman nilang sila ay umiibig sa isa’t-isa. Nakalimutan ni Maria na isa siyang diyosa na hindi nararapat na umibig sa tao. 

Nagpatuloy ang matamis na pag-iibigan nina Maria at Gat Dula hanggang sa ito ay makarating sa kaalaman ni Gat Panahon, ang ama ni Maria. At siyempre pa, nagalit si Gat Panahon gayundin si Dayang Makiling. Labis na nalungkot ang ina ni Maria sa pakikipag-ibigan ng anak sa isang tao at hindi sa kapwa nila bathala.

Magmula noon ay pinagbawalan na si Maria na bumaba sa daigdig ng tao. Inalisan din siya ng kapangyarihang mag-anyong tao. Sabihin pa, labis itong ikinalulungkot ni Maria sapagka’t iisa lang ang kanyang puso at ito ay walang iba kundi si Gat Dula.Sa daigdig nama’y gayundin ang nangyayari kay Gat Dula. Tapat at busilak ang pag-ibig niya Maria. Madalas ay nakikita niya si Maria sa kanyang mga pangitain ngunit ito’y biglang naglalahong parang bula.

Biglaang nagkaroon ng digmaan sa kaharian ni Gat Dula. Nilusob sila ng mga kalapit na kaharian sa pamumuno ni Lakan Bunto. Buong giting na pinamunuan ni Gat Dula ang kanyang mga tauhan sa pakikipaglaban. Nagapi nila ang mga kalaban at ni hindi lamang nagalusan si Gat Dula. Ang dahilan nito marahil ay sa kanyang inspirasyon, ang kanyang marubdob na pag-ibig kay Maria. Marami pang digmaan ang nakasagupa ni Gat Dula at lahat ng iyon ay kanyang pinagwagihan. Nagtatagumpay siya sa mga kalaban maliban sa kanyang pag-ibig kay Maria. 

Sa labis na kalungkutan, si Gat Dula ay nagkasakit na naging sanhi ng kanyang kamatayan. Lahat ng ito ay nasaksihan ni Maria ngunit wala siyang magawa. Hiningi nya sa mga bathala na ibigay sa kanya ang kaluluwa ni Gat Dula at siya nama’y pinagbigyan din ng mga bathala. 

Nang mamatay sina Gat Panahon at Dayang Makiling, minana nina Maria at Gat Dula ang lahat ng kayaman at kapangyarihan ng kanayang mga magulang. Bilang pinuno, ipinagpatuloy ni Maria ang pagbibigay ng tulong sa kanyang nasasakupan. Tulad ng Gawain ng ina, ikinakalat ni Maria ang mga luya sa bakuran ng bawa’t bahay ng kanyang kaharian. Ang lahat ng ikinasal ay kanyang binibiyayaan ng mga kagamitan. 

Ngunit dumating ang panahon na ang kaharian ni Maria ay inabuso ng kanyang mamamayan. Ang iba sa kanila ay hindi na marunong tumanaw ng utang na-loob. Ang mga gamit na kanilang hiniram ay hindi na naibabalik kay Maria. Dahil dito, nagalit si Maria. Nagpasiya siyang baguhin ang lahat.Nagbigay siya ng ng mga bagong kautusan at batas. Ipinagbawal niya ang pamimitas ng prutas sa gubat. Dahil sa kalupitan sa hayop, ipinagbawal din niya ang pagpatay at pagbihag ng mga hayop. Ang sinumang sumuway sa kanyang batas ay kanyang parurusahan. At bawa’t pagsuway sa kanyang mg autos. Pinaiitim niya ang kalangitan at ibinubuhos ang malakas na ulan. Pagkatapos ay hahagupitin niya ng malakas ang kalabaw upang kumidlat. 

Ngayon ang bundok ng Makiling ay simbulo ang kapangyarihan at kagandahan ni Maria.    


For our class' jump-off activity, we watched the YouTube video of Alamat ng Mariang Makiling which I downloaded on my desktop:





No comments:

Post a Comment

Scholastic Basketball Camp

1st Founders' Cup

Scholastic Basketball Camp-1st Founders' Cup

16 & Under Division Ranking 2019

School Rank Wins
SV Montessori 4th 0
La Trinidad Academy Champion 5
Charis Christian Institute 2nd 4
La Camelle School 3rd 1

12 & Under Division Ranking 2019

School Rank Wins
SV Montessori 5th 0
La Trinidad Academy-Team A Champion 6
Charis Christian Institute 2nd 5
La Camelle School 3rd 4
La Trinidad Academy-Team B 4th 1