Wika Para sa Lahat

  Magandang araw! Magandang hapon! Magandang gabi! If you understood any of the words or phrases I used, chances are that you know they come...

Looking for Something Here?

Sunday, July 22, 2012

SONA 2012 of President Benigno "PNoy" Aquino III

Bukas ng umaga, ika-23 ng Hulyo, and Presidente ng Pilipinas, si BS Aquino ay magbibigay ng kanyang State of the Nation Address para daw sa mga Filipino. Meron pa kaya siyang sasabihin sa atin na hindi natin alam na kalokohan lang? Meron pa kayang sasabihin ang pinuno ng Republika ng Pilipinas na hindi natin alam na kasinungalingan lang? Meron pa kayang sasabihin si PNoy, isang produkto ng dalawang pamilyang mayayaman, maimpluwensya sa larangan ng politika, negosyo at showbiz, na hindi natin alam na pampabulaklak lang sa kanyang administrasyon?

Meron pa nga ba?



Napatalsik ng administrasyon si CJ Corona dahil daw sa pagiging kurakot. Pwede, malamang at marahil totoo at naniniwala rin naman ako sa paratang sa kanya. Pero sa tingin mo ba si CJ Corona eh mapapatalsik sa pwesto nya kung isa sya sa mga bata-bata ng Aquino Administration?

Yung pinapalutang na balita ng administrasyon na pulis na nakabanggaan ng PSG convoy, pinatulan ba ng masang Pilipino? Hindi pero dapat lang mabigyan ng leksyon yung kupal na pulis na yon.

Heto magandang tanong, anong gagawin ng PNoy administration sa napabalitang katangahan ng mga opisyal ng gobyerno sa Zamboanga kung saan ginawang human stand ng electric fan ang dalawang bata sa inagauration ng three-storey, 27-classroom building sa Zamboanga City High School.  

Astig di ba?

Ipinapakita dito na importante na mahanginan ang mga opisyal ng gobyerno kapag sila ay naiinitan. Mga hunghang kayo, galing sa bulsa ng mga taong nagbabayad ng buwis ang ipinagpatayo ng gusali na yan!!!

O ano ngayon ang masasabi mo diyan PNoy?

Pampapogi na naman yan ihihirit mo!

Malinaw na pang-aabuso ng kapangyarihan yan at kawalan ng respeto sa kapwa tao!!!

Yung Spratly dispute, ano naman kaya ang ibibida sa atin ng bata nating si PNoy?

Sigurado ko sasabihin nya, atin yan at kailanman hindi natin ibibigay sa iba yan. Astig na naman ang dating mo diyan PNoy! Pero ano nga ba talaga ang ginagawa mo para maiayos yan?

Kaya mo bang makipagsabayan gaya ng ginawa ng Russia laban sa mga Instik nung pinasok nila yung karagatan nila? Pinagbabaril lang naman sila ng mga Ruso!

Oh baka naman hinhintay mo si Uncle Sam pati rin ang sasabihin ng Filipino-Chinese Business Community?

Yang mga negosyanteng Instik na yan na nakinabang ng husto sa bayan natin, tahimik di ba? At ang malupit, nangunguna pa sila sa pagsasabi na walang sinabi ang Pilipinas kung makikipaglaban tayo sa China. Pero mga hayup kayo, dito kayo sa Pilipinas nagpayaman, nagpaaral ng mga anak ninyo. Dito kayo Pilipinas nakaranas ng kaginhawaan at karangyaan, hindi sa labas ng bansa.

PNoy, ano pa nga ba ang ibibida mo sa amin?

Namatay si Pidol at pinilit mong pasayahin ang pamilya nya at ang dating mo sa taumbayan, mabuti ang pagpapatakbo mo sa Pilipinas. Ay sus, pwede ba iwanan nyo na yang issue na yan.

Bumabagyo, bumabaha at ang mga pamilyang nakatira sa lansangan ano ang ginagawa ninyo?

Ay sus!!!

SONA 2012 ni BS Aquino ano pa nga ba ang dapat nating marinig?

Yung pinapadalang pera ng mga OFW sa Pilipinas?

Saan naman napupunta?

Sa bulsa ni Congressman Manhik Manaog, sa bulsa ni Mayor, sa rancho ni Senator. Pero syempre di rin magpapatalo si Konsehal at Konsehala sa labanang yan, pati nga si Baranggay Captain dapat maambunan dahil opisyal sya ng gobyerno.

Sobra na 'tong mga katangahan ng Pilipinas, sobrang sobra na!

Ano magagawa ng Pilipino, yung Boss ni PNoy?

Tuesday, July 3, 2012

14 and Under ASEAN Champion FM Bersamina

Nandito na ang kumpletong laro ni FIDE Master Paulo Bersamina sa 13th ASEAN Age Group Chess Championship. Si Paulo ang nagkampeon sa 14 and Under category na ginanap noong June 11 hanggang June 22, 2012 sa Hue, Vietnam. Ang Hue City as isang makasaysayang lugar na matatagpuan sa gitna ng Vietnam at ito ay naitalaga bilang isang UN World Heritage site.

Ang swerte nga naman ng mga batang chessplayers, nakakapasyal na sila ng libre, nakakapaglaro pa sila ng paborito nilang laro. yun nga lang, kailangan matikas ka gaya ni Paulo.

Heto na ang mga laro nya. Take note, puro Vietnamese yata ang mga nakalaban ni Pau sa edition ng ASEAN Group na ito. Malaking bagay na magkampeon sa mga age group tournaments lalo't ASEAN ito sapagkat makikilatis ng player ang kanyang level sangayun sa mga ka-edad nya at sa hinaharap, gamay na nila ang bawat isa.

Walang talo si Paulo dito.

Unang round:




Pangalawang round: Pangatlong round: Pang-apat na round: Pang-limang round: Pang-anim na round: Pang-pitong round: Pang-walong round: Pang-siyam at panghuling round:

Scholastic Basketball Camp

1st Founders' Cup

Scholastic Basketball Camp-1st Founders' Cup

16 & Under Division Ranking 2019

School Rank Wins
SV Montessori 4th 0
La Trinidad Academy Champion 5
Charis Christian Institute 2nd 4
La Camelle School 3rd 1

12 & Under Division Ranking 2019

School Rank Wins
SV Montessori 5th 0
La Trinidad Academy-Team A Champion 6
Charis Christian Institute 2nd 5
La Camelle School 3rd 4
La Trinidad Academy-Team B 4th 1